Ang nobelang pinamagatang "Tell Him" ni Andrea Almonte
- Meraluna Pantorilla & Joey Camiguing
- Meraluna Pantorilla & Joey Camiguing
Si Janet ang gusto ni Raymond, pero ayaw niya
sa binata suplado kasi ang tingin niya nito kontrabida, kung anu-ano pa. Si
Alfred ang gusto niya, ang nakakabatang kapatid ni Janet. mabait kasi ito,
malambing pa sa kanya, kaya lang, may iba naman itong gusto, si Eva na mailap
naman dito.
Sa dakong huli, kay Raymond din
pala babagsak si Janet ang dahilan, kunwari lang pala ang pagiging suplado nito
sa kanya, kumbaga, nagpapansin, at napansin naman niya ito, napansin niya na
mas masarap naman palang mahalin ang binata.
Gusto ko ang karakter/ papel ni
raymond dahil hindi siya sumusuko na iparamdam o ipakita kay Janet ang kanyang
tunay na nararamdaman.
Ayaw ko sa karakter/papel in Janet dahil nag-asa pa siya
na siya ang pipiliin o mamahalin ni Alfred dahil si Alfred ay may-ibang
minamahal at gustong-gusto niyang pakasalan si Eva.
Inirerekomenda ko ang aklat
na ito sa mga taong umiibig o inspired sa kanilang nararamdaman dahil may
makukuha silang magandang aral dito na tumingin ka sa mga taong nakapaligid
sayo o makiramdaman ka dahil hindi natin alam na ang mga taong iyon sila ang
ating makakasama habang buhay o nakatadhana sa atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento