Biglang Kislap
– Charlene Saliot
Unang tingin, biglang kislap
Agad-agad Ikaw ay pinangarap
Sana naman ay mapansin
Parang sangang natutuyo
Namamatay pag nalalayo sa puno
Sana naman ay mapansin
Panahon ay di na palilipasin
Sana'y dumating ang panahon
Ito ay totoo at hinding-hindi ka bibiruin
Magbago man ang ikot ng mundo
Magpapatuloy ang himig ng gitara ko
Panulat at papel ay babaunin ko
Mabatid mo lang ang laman ng aking puso.Magpapatuloy ang himig ng gitara ko
Panulat at papel ay babaunin ko
Talang Nawalan ng Kulay
- Daligdig, K., and A. Tongal
Ako'y taong puno ng pangarap
Gabi-gabi sa langit ay nakaharap
Tinitingnan ang mga bituin na kumikislap Inaalala ang aking matayog na pangarap
Pangarap ko ay biglang nawala
Ito'y naglahong parang bula
Mga tala'y nawalan ng kulay
Nawalan ng saysay ang aking buhay
Ganito pala ang buhay sa mundo
Laging umiikot at nakakahilo
Ang masama ay kinaiinisan
Ang mabuti ay kinaiinggitan
Kasalanan na hindi ko ginawa
Hinuli ako't pinahirapan
Binilanggo sa isang kulungan
Kahit malungkot ay nakangiti
Tumitingala sa langit
Tinitingnan ang mga bituing nakakaakit
Bituin ang nagsilbing ilaw
Sa tuwing sasapit ang gabi
Sa madilim kong pananaw
Bituin din ang nagsilbing kulay
Sa masalimuot kong buhay.
Huwarang Pamilya
-Aileen Cataga
Sa aming tahanan
Buo ang pamilya
Lubos na kasiyahan
Aming nadarama
Aming nadarama
Maaga pa lamang
Iyong nang makikita
Haligi ng tahanan
Naroon na sa palayan
Ay laging nariyan
Pagmamahal niya'y tunay
Hindi lilisan habang-buhay
Huwaran nga naman talaga
Sa aking paglaki
Sila’y aalagaan palagi
Di Lahat ng Plastik, Basura
-Cantalejo, K., at F. Gocotano
Di lahat ng plastik, basura
Tumatawa ka pa kasama siya
Kapag nakatalikod, pinag-uusapan kana
pala
Sa araw-araw silay kasama
Di ko akalaing sila ay traydor pala
Katuwaan, kasiyahan ako'y maaasahan
Sa problema ko'y wala silang pakialam
Kapag may kailanga'y saki'y dikit ng
dikit Kasiyaha'y abot hanggang langit
Ngunit sa itsura sila pala'y
manggagamit
Panlaban ang mapagkunwaring kilos na malupit
Panlaban ang mapagkunwaring kilos na malupit
Katulad nila'y di dapat tularan
Sila ay nakatambak na sa lipunan
Mag-ingat ka't baka ika'y malason
Tandaang iba na ang takbo ng panahon
Kulang Pa Ba?
-Ariel Ganzon & Christian Olivo
Nang maging tayo
Sayo na umikot ang
mundo ko
Na para bang tayo’y
hanggang dulo
Naging masaya ang
ating pagsasama
Na tila ba tayong
dalawa lang ang natitira
Walang lungkot sa
ating mga mata
Na animo’y kakambal
natin ang saya
Hindi ko inakala na
ika’y magbabago
Sa isang iglap la’y
nawala ang tayo
Nang sa isang babae
ako’y niloko
Kulang pa ba ang lahat
na ginawa ko?
Di pa ba sapat ang pagmamahal
ko?
At pinagpalit mo ang
seryosong tulad ko
Pinagpalit ang seryoso
sa manloloko
Sa huli karma rin ang
dadating sayo
Hindi man naging tayo
hanggang dulo
Nagpapasalamat pa rin
ako sa iyo
Dahil sa ginawa mo,
ako ay natuto
At sa muli hindi na
magpapaloko
Mapagbirong Tadhana
-J. Pantinople & J. Boto
Patuloy ang paglagas ng mga dahon
Parating na naman ang dapit-hapon
‘Di alam kung saan ako paroroon
Sa kanta ng buhay, ang hirap umayon
Ang lahat ng nakaraan sa atin
Sadyang kay hirap namang limutin
Pagkawasak nati’y kay hirap tanggapin
Binago mo ang takbo ng aking buhay
Di ko kayang sayo ay mawalay
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana
Di nga talaga tayo para sa isa’t-isa
Nagbago man ang dating tayo
Hangad ko pa rin ang kabutihan mo
Sana’y muli tayong magkatagpo
Kahit hanggang kaibigan na lamang
tayo
Kumupas na Pag-ibig
-Allen Jean Dofiles
Unang pasok sa skwela
Sila’y aking nakilala
Baliw kong kasama
Nakakawala ng problema
Diko namalayan na sila’y nagseselos na pala
Dumating ang araw na sila’y nag-iba
Ako’y may magagawa pa ba?
Eh paano pag ika’y di na nila gusto?
Di ba pwedeng magpakatotoo?
At sabihing ayaw ko na sa’yo
Dahil may iba ng nagmamahal sayo
Pag-ibig saki’y kumupas
Parang malakas na hangin saki’y humampas
Isang mabait na kaibigan muli ang nakilala
At pinawi ang aking pangungulila
Pag-usbong
-Remarc Russel
Simpleng pamumuhay ang ating nakagisnan
Kontento na sa ordinaryong kagamitan
Ngunit sa pagsilang ng araw sa Silangan
Makabagong kagamitan umiiral sa buong kalupaan
Mga gawa nilang tinatangkilik nang kapwa
tao
Hindi masama ang mga naimbento
Kapag Ito, ay nagamit ng was to
Darating ang panahon ang luntiang kulay
Kukupas din ng sabay-sabay
Dahil sa masasamang epekto ng mga naimbento
Bilang na mga araw ng mga tao sa mudo.
Nakakatulong nga sa atin ang mga bagong
kagamitan
Sa tulong ng mga ito, buhay ay napapagaan
Ngunit lagi nating pakatatandaan
Tamis na dulot nito'y mayroon hangganan.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin