Maikling Kwento

Masalimuot na Kahapon
-Aica Baguio & Nino Mosqueda



“Masaya, Makulay at talagang maaaliw ka.”
 Maraming kaibigan, kahit saan pupunta kilala siya. Siya si Maria Ferrera maganda, mayaman, at kilala sa pag-ngangalang Ferrera. Mayaman ang kanilang angkan, kilala ang kaniyang Ina at Ama. Ang kanyang Ina at Ama ay may sariling kompanya. Si Maria at ang kanyang nobyo na nagngangalang Fredo ay lider sa isang grupo ng sayawan kung saan sumasali sila sa bawat kompetesyon at halos sa lahat ng kompetesyon ay sila ay nananalo. Isang umaga habang papasok si Fredo sa bahay nila Maria , may naalala si Fredo na mayron pala silang Asignatura kaya nag-mamadali itong pumasok sa kwarto ni Maria at ginising ito na may ngiti sa labi. Ng madaling maligo si Maria, pagdating sa paaralan, sinalubong silang dalawa ng kani-kanilang mga barkada.
“Halika kana pare”
ika nang mga maiingay na barkada ni Fredo.
“Pre, may gagawin pa kaming Asignatura ni Maria” 
sabi ni Fredo na may pag-alala sa marka nilang dalawa. Binabalewala lang ng barkada niya ang sinabi ni Fredo, kaya nagpatuloy sila sa paglalaro ng Basketball. Habang masayang naglalaro si Fredo at ang kaniyang barkada. Nag-alalang tumawag si Maria sa Cellphone ni Fredo. Habang tumatawag si Maria kay Fredo bigla na lang siyang pinatawag sa opisina ng kanilang Guro patungkol sa kanilang Asignatura. Dahil kung hindi sila makagawa ng nasabing Asignatura hindi sila pwedeng makatapos sa Kolehiyo kung hindi ito kompleto. Pagkakita ni Fredo sa kaniyang Cellphone na marami na pala ang mga missed call ni Maria, dali-dali niyang pinuntahan si Maria ngunit hindi niya ito nasilayan. Ngunit hindi niya alam na si Maria pala ay nagtampo sa kanya. Nagdesisyon si Maria na pumunta sa Bar para magpalipas ng galit. At habang nasa loob sa Bar si Maria na merong maiingay sa madidilim na sulok. At mga taong halos di niya kilala ang kanyang nakasalimuha. Sa kalagitnaan ng pag-aalala ni Fredo sa nobya nito, hindi niya nalaman na papunta na ang mga magulang ni Maria sa paaralan nila, upang ayusin at pag-usapan ang nasabing Asignatura ngunit hindi na pwede pa silang tumanggap ng mga huling Asignatura. Nang nalaman sa Magulang ni Maria ang lahat galit nag alit ito. Kaya dali-daling tumawag si Fredo kay Maria upang sabihan ang tungkol sa nalalaman nang kanyang mga Magulang, ngunit hindi ito sumasagot. Habang pinipilit niya Maria na pasayahin ang sarili, may isang Lalaking tumabi at inabot sa kaniya ang basong may lamang alak at sinabi
“ Miss, inom tayo pang-alis ng problema”.
Kaya kinuha ni Maria ang baso na may pag-alala sa sarili at sa kaniyang Pamilya. Madami na ang kaniyang nainom kaya nag-pasya siyang umuwi na lang.
“Uuwi na ako, lasing na lasing na ako” sabi ni Maria.
“O, sige pero sa tingin ko hindi muna kaya, gusto mo bang ako na lang ang magmaniho”
sabi nang Lalaki. Habang nasa loob ng sasakyan hindi namalayan ni Maria na dahan-dahan na pala siyang hinuhubaran at sila ay nagsalo sa init ng kanilang katawan. Kinaumagahan, habang mag-isa sa loob ng sasakyan si Maria nadama niya ang sakit ng ulo. Papauwi na sa bahay si Maria at agad-agad siyang sinalubong ng kanyang ina, malakas na sampal at mga masaskit na salitang nabitawan nito.       
“Nagagalit kayo?, bakit nong kailangan ko kayo nagalit ba ako?”
galit na sinabi ni Maria sa Ina nito. Makalipas ang tatlong araw may kakaiba siyang naramdam. At habang naliligo siya bigla na lang niang nabatid ang biglang pagsuko na para bang kumuha sa lahat ng laman niya, ngunit hindi niya ito pinansin. Galit na pinagsabihan si Maria ng kanyang Ina at Ama patungkol sa hindi nagawang Asignatura.

“Nagkulang ba kami Maria?, lahat na man ng kailangan mo binigay namin, mga gamit, pera pang gastos sayo”
ika ng Ama nito.

“Oo sa mga bagay at pera perpekto kayo, pero sa pagiging Ina at Ama may nadama ba ako?, mayaman tayo, marami tayo pera kahit mga bagay kompleto tayo pero hindi pa rin matutumbasan ng pagmamahal ng Ina at Ama”
 ika ni Maria sa Ina at Ama nito. Pagkadating sa paaralan sinalubong siya ni Fredo na may mahigpit na yakap at halik sa labi.
“Saan kaba galing?, nag-alala ako sayo, pero ang importante nandito kana, ano kain tayo?”
sabi ni Fredo. Kaya masaya silang kumain, pagkatapos kumain ay inutosan ni Maria si Fredo na bumili pa ng maraming pagkain na yung mga maaasim.
“Ano bang nagyari sayo Maria?” 
sabi ni Fredo.
“Gutom lang siguro to”
ika ni Maria. Ngunit ang pagsusuka at pagbili ng maaasim na pagkain ni Maria ay sinyales na pala ito na siya ay buntis sa ibang lalaki. Papauwi silang dalawa sa bahay ni Maria para ihatid ito. Sinalubon sila ng Ina ni Maria at umuwi na si Fredo. Pero biglang tumakbo si Maria papuntang banyo. Kahit na magkagalit silang mag-ina ay nakaramdam pa rin ang kanyang Ina ng pag-alala para sa Anak kaya sinundan ito.
“Ano bang nagyari sayo Maria?”
galit na tanong ng Ina.
“Mabuti pa’y ipa-checkup natin yan para malaman kung may sakit kaba”
dagdag na sinabi ng Ina. Dali-dali silang pumunta sa Ospital, isang oras ding pinatignan si Maria at pagkatapos ay pinatawag ng Doktor ang kanyang Ina at sila ay nag-usap ng masin-sin tungkol sa kalagayan ni Maria.
“Ilang taon na po ba ang anak niyo?”
ika ng Doktor.
“Labing siyam po” 
sabi ng kanyang Ina.
“Alam nyo po ang kalagayan niya Misis?”
ika ng Doktor.
“Bigla na lang po siyang sumuka pagdating sa bahay”
sabi ng Ina nito.
“Buntis po siya Misis, buntis ang anak niyo!”
sabi ng Doktor. Nang walang anu-ano ay malakas na sampal ang sumalubong kay Maria paglabas niya sa kwarto.
“Anong nagyari sayo Ina?”
mahinhin na sinabi ni Maria sa Ina nito.
“Buntis ka Maria, wala kang hiya, wala kang respeto sa angan natin at sa sarili mo. Si Fredo ba ang Ama niyan?” pagalit na sinabi ng kanyang Ina. Ng walang anu-ano ay bigla na lang napahinto ang mundo ni Maria sa nalaman nito at napaisip sa maling nagawa niya at nagpadala sag alit at tampo. Kaya tinawagan si Fredo patungkol sa nangyari kay Maria.
“Ikaw ba ang Ama ng dindala ni Maria?”
ika ng kanyang Ama.
 “Hindi, hindi ako ang Ama ng dinadala ni Maria, saan po ba kayo ngayon?”
 sabi ni Fredo.
“Nandito kami sa Ospital”
ika ng Ina. Kaya dali-daling pumunta si Fredo sa Ospital at doon niya nalaman na may mali talagang ginawa si Maria, noong sila ay hindi nakapasa sa Asignatura. 
“Patawarin mo ako Fredo, ng padala ako sa aking nararamdaman at lubos kung dinidibdib na hindi tayo sabay makakatapos sa Kolehiyo”
ika ni Maria. Niyakap niya ng mahigpit ang nobyo nito na para bang wala ng pag-asa sa kanilang dalawa.
Simula noon namuhay si Maria sa piling ng Ina at Ama nito at si Fredo ay wala nang komunikasyon at tila wala ng paki-alam kay Maria. Ngunit sa piling ng kanyang Ama’t Ina masaya siyang namumuhay sa kabila ng kanyang masalimoot na kahapon.






WAKAS





1 komento: