‘’Ang
Magkaibigang Nagkaibigan"
- Ni Carlizyl Montecillo at Merry-An Malabago
Sabi nila ang pagmamahalan ay
nagsisimula sa simpleng pagkakaibigan... Ito nga ba'y totoo o sabi sabi lang ng
iba.
. Unang Tagpo:
Sa kantina ng paaralan (Sa kantina ng
paaralan, punong-puno ang mga mesa dahil sa mga estudyanteng nandoon, ang iba'y
kumain at ang iba nama'y abalang-abala sa paggawa ng kani-kanilang proyekto. Sa
pagbubukas ng tabing, makikita sina Marco at Julia na nakaupo sa mesa, kumakain.)
Marco:(kumukusap-kusap)Pre,tapos ka
na bang gumawa ng proyekto natin sa Filipino?Sabi nila ngayon na raw yun.
Julia:Pano ko naman yun matatapos,ehh ako lang naman mag-isa ang gumawa...tulungan
mo pala ako sa pagtapos nun. Marco:(Napakunot-noo)Ano?Magpapaturo ka? Gagawa
rin kaya ako.
Julia:(Panalo ang
kaibigan)hoy,loko-loko! nalimutan mo na ba, partner kaya tayo
nun..(nandidilat).
Marco:(Nag-iisip, napakamot sa ulo) ay,tama
pala ano..hehehe... nakalimutan ko nga pala.. sorry bestfriend(ngumiti).
Julia:(Pakumwaring galit ang tinig)wag kang pangiti-ngiti dyan,hindi ako
masaya.(tumindig at inayos ang gamit)ikaw ang magbayad nito huh.(Agad na
Umalis).
Marco:(Akmang pipigilan)huy,bumalik
ka rito bayaran mo tong kinain mo...(sumigaw)Julia!bumalik ka...(napakamot
nalang sa ulo).
Ikalawang Tagpo:
Sa bahay ni Julia. (Gabi sa bahay
nila Julia.Sa sala may malaking sopa sa gitna na may maliit na mesa sa
harap.Makikita si Julia na abala sa paggawa ng kanyang proyekto. Papasok si
Aling Maring, Nanay ni Julia)
Aling Maring: Julia , anak kakain na
tayo hali kana.
Julia: Opo nay,susunod lang po ako sa
inyo,tatapusin ko lang po ito saglit.
Aling Maring: O sige anak,basta't
sumunod ka agad huh.(lumabas)
Julia: Opo nay. (Sa labas nang bahay)
Marco: Tao po! Tao po! Aling Maring,nan dyan
po ba si Julia?
Julia: (Saglit na natahimik at
napahinto sa ginagawa) Si Marco siguro yun.(lumabas)
Marco: Tao po! Tao po! Julia:
Opoooo...(ngumiti).
Marco: Magandang gabi sayo pre...
Julia: Magandang gabi rin..halika ka
rito sa loob. (pumasok ang dalawa sa loob)
Julia: (inayos ang kalat) umupo ka
rito pre... pasensya kana,medyo marumi talaga ang bahay namin.
Marco: (umopo) (tumitingin sa
paligid) ahh pre saan ba ang nanay at tatay.
Julia: (napatigil sa
paglilinis,natahimik na parang may iniisip, hala muntik ko ng makalimutan
maghahaponan na pala kami(inayus ang sarili)sabay tayo sa kusina pre, sabay
tayo dun (mukhay nanghihikayat)
Marco: sige pre,salamat nalang...dito
nalang ako.
Julia: sure ka? Baka maboring kalang
sa pag-aantay sa akin dito.
Marco: hindi..hindi,dito lang talaga
ako.
Julia: sure ka talaga pre? Oh sige,
paandarin ko lang tong TV para hindi ka maboboring dito. (Pinaandar ang TV at
tsaka umalis papuntang kusina). (Habang abalang nanonood si Marco ng palabas sa
TV, biglang pumasuk ang tatay ni Julia)
Mang kanor: (nakatingin sa binata at
tsaka umupo) Uy Marco...kanina ka pa ba dito?
Marco: Hindi naman po gaano
...(nagmano).
Mang kanor: (inabot ang kanang kamay)
kaawaan ka ng Diyos...Naabotan ka pa ba ni Julia dito?
Marco: Ay,oho siya rin po ang
napaadar nitong TV ehh...
Mang kanor: Ah,mabuti naman.
Mang kanor: (tumayo) iho,maiwan
nakita dito huh papasok na ako sa kwarto...antayin mo nalang yung pagong mong
kaibigan...sobrang bagal..(napailing-iling)
Marco: oo nga po eh...(napatawa) pero
nasasanay na po ako..(di natapos ang pagsasalita pumasok si Julia).
Mang kanor: Oh....nandito na pala
sya...iwanan ko na kayo dito.
Marco:Sige po.
Julia: Ano ba yung narinig ko sa
sinasabi mong nasasanay kana? Tungkol saan yun.
Marco:(Nandidilat),usapang panglalake
lang yun...wala ka na dun..(tumawa)
Julia:(lumapit kay Marco sinapak ng
malakas) Ay,ganun.. mandidilat ka talaga... bakla!bakla!bakla!(pangungutyang
pagtawa) Marco:hindi kaya ako BAKLA...
Julia:(maingay)hahaha....
bakla!bakla!bakla! Hahaha... hay baklam (pakaway-kaway).
Marco:Ah, Bakla pala huh... (biglang
humalik sa labi ni Julia)
Julia:(nanlaki ang mga mata, parang
isang yelo)
Marco:Oh ano,bakla padin
ako?(mataray)
Julia:(sinampal ang kaibigan,tumakbo)
Ano kaya ang kasunod na mangyayari?
ABANGAN :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento